Kilalanin ang "Taylor Swift ng Pilipinas": Kemrie Barcenas
  • 4 years ago
May mga magtataas siguro ng kilay sa claim na ito.

Pero once marinig ninyong kumanta ang 18-year-old Bicolana na ito, maiisip n'yong tama nga yata ang napakaraming netizens na nagsabi:

Si Kemrie Barcenas ang "Taylor Swift ng Pilipinas."

Naging viral sa social media ang videos ni Kemrie dahil kaboses na kaboses niya ang American singer na si Taylor Swift.

Iniidolo sa buong mundo ng fans niyang karamihan ay teenage girls, ang mga kanta ni Taylor ay kadalasang umiikot sa kanyang personal experiences, at madalas pa ay sa love life niya.

Kumbaga, maraming nakaka-relate kasi may hugot.

Kaya nang magsimulang mag-circulate sa social media ang pag-cover ni Kemrie ng Taylor Swift songs, natural na maraming Swifties (tawag sa fans ni Taylor) ang nag-message sa kanya.

Ayon kay Kemrie, na-shock daw siya sa mga na-receive na messages.

"It was really shocking the following day when I saw my TikTok account having lots of likes and reactions and comments about me sounding like Taylor Swift," sabi ni Kemrie na isa ring Swiftie.

Sinasabi na raw sa kanya ng mga kaibigan niya na kaboses niya ang "Love Story" singer, pero di raw niya pinapansin.

Hanggang sa pumutok na nga sa Internet ang kanyang TikTok videos na kino-cover niya ang mga kanta ni Taylor.

Aminado si Kemrie na nao-overwhelm siya sa atensyon na nakukuha niya mula sa kapwa Swifties.

Pero sa kabila nito, aniya, "I'm doing fine."

Si Kemrie ay isa ring composer at may YouTube channel siya kunsaan naka-upload ang kanyang original songs, tulad nito: https://www.youtube.com/watch?v=JFfLtQ7IYDw

#kemriebarcenas #taylorswift #taylorswiftngpilipinas

Video Producer and Editor: Jean Saturnino

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph
Recommended