Joross Gamboa, nadulas tungkol sa "plano" ng KathNiel?

  • 4 years ago
Habang kausap ang reporters matapos ang presscon proper ng kinabibilangan niyang movie na Fluid, inusisa si Joross Gamboa kung may alam siya sa usap-usapang nagpaplano na ring magpakasal nang lihim ang mga kaibigan niyang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Wala akong alam... wala kayong makukuha sa 'kin," ang laging sagot ni Joross.

Pero nang tanungin kung nakikita ba niya na mag-e-end up together sina Kathryn at Daniel, sumagot si Joross ng, "Oo naman, oo naman. Isa talaga sila sa ano... malapit na... ah, ewan ko!"

Napasigaw tuloy ang mga kausap niyang press na tila nahuli nila si Joross na "madulas" tungkol sa "plano" nina Kathryn at Daniel.

Kumambiyo pa si Joross ng, "Joke lang, ha!"

Na lalo tuloy nagpatibay sa paniwala ng reporters na nadulas nga ang aktor sa pagkumpirma ng planong pagpapakasal ng KathNiel.

Nadulas nga ba si Joross sa mga tanong ng reporters o eksaherado lang mga kausap niya?

Video: Noel Orsal
Edit: Rommel Llanes

#jorossgamboa #kathniel #kathrynbernardo #danielpadilla

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Recommended