Reporter's Notebook: Isang tulay sa Iloilo, 10 taon nang nakatiwangwang
  • 6 years ago
Sa bayan ng Lambunao sa Iloilo, naabutan ni Jun Veneracion ang pagpasok ni Jharryl Legada sa paaralan. Ang mga estudyanteng gaya niya, kailangang tumawid ng ilog dahil sa kawalan ng tulay. Mas mahirap daw kapag malakas ang ulan, dahil ang tubig sa ilog, umaabot ng lampas-tao ang lalim. Natuklasan ng Reporter’s Notebook na isang tulay ang ipinatayo ilang metro lamang ang layo mula sa ilog na tinatawiran nina Jharyll ngunit bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito magamit-gamit? Alamin sa video na ito.
Recommended