Lalaking bagong-kasal, pinatay ng asawa 8 araw matapos ikasal
  • 9 years ago
Lalaking bagong-kasal, pinatay ng asawa 8 araw matapos ikasal

Si Jordan Johnson ay isang linggong bagong-kasal, nang itinulak niya ang kanyang asawa habang sila'y nakatayo sa isang matirik na talampas.

Si Jordan, at ang kanyang asawa na si Cody Lee Johnson, ay nag-away sa gitna ng pagha-hiking sa Glacier National Park, sa Estados Unidos.

Sinunggaban duimano ni Cody ang braso ni Jordan, na siya namang umiwas, sabay tulak kay Cody habang ito'y nakatalikod.

Si Cody ay nahulog mula sa talampas at namatay. Walong araw pa lamang ang nakalipas nang sila'y ikasal.

Nagsinungaling si Jordan tungkol sa mga pangyayari at sinabi na iniwan siya ni Cody matapos nilang mag-away.

Sinabi niya sa pulis na nakita niya ang katawan ng asawa sa ilalim ng talampas, pero hindi nagtagal at inamin rin nito sa FBI ang buong katotohanan.

Si Jordan Johnson ay inaresto sa pagpatay sa kanyang asawa, at haharapin ang kasong second-degree murder laban sa kanya.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended