Lalaking walang ngipin, kinagat ang 'kalalakihan' ng kanyang kapitbahay

  • 9 years ago
Lalaking walang ngipin, kinagat ang 'kalalakihan' ng kanyang kapitbahay

Si Jason Martin, apatnapu't isang taong gulang, ay galing sa Kent, sa United Kingdom -- at siya ay nahatulan dahil kinagat niya ang "kalalakihan" ng kanyang kapitbahay.

Maingay na naglalaro ng Xbox si Martin nang kumatok at nagreklamo ang kanyang kapitbahay na si Richard Henderson.

Ayon kay Martin ay ininsulto siya ni Henderson, at nauwi ito sa away. Na-headlock daw ni Henderson si Martin, at sa pagtangkang tumakas ni Martin, ay naisipan nitong kagatin ang sensitibong parte ng katawan ni Henderson -- kahit na wala siyang ngipin!

Dahil nakapantulog lang si Henderson, ang kaisa-isang ipin ni Martin ay tumagos sa kanyang kalalakihan.

Ayon kay Martin ay ipinatanggol lamang niya ang kanyang sarili, pero nang dumating at pulis sa eksena ay makikita ang dugo ni Henderson sa kanyang bibig at mukha.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended