Kristen Forester, naaresto nang naka-bra at panty para sa DUI

  • 9 years ago
Kristen Forester, naaresto nang naka-bra at panty para sa DUI

Kung may maituturo sa atin si Kristen Forester ng St. Pierce, Florida, ito ay, 'huwag maghubad kapag nagmamaneho habang lasing.'

Ang 18 year old na dalaga ay halos hubo't hubad nang siya'y dumaan sa Seaway Drive, alas tres ng madaling araw. Pinahinto siya ng isang pulis, at natagpuang naka-panty ang lasing na babae. Nagtawag ng tulong ang pulis.

Pinalabas ng pulis ang babae sa sasakyan, at nang tanungin siya kung bakit wala siyang suot na damit, ang sagot nito ay, galing siya sa kanyang trabaho. Umamin din ang babae na siya's nakainom. Para makumpleto ang sobriety test, ay kinailangang tanggalin ni Forester ang sweatshirt na nakatali sa kanyang bewang.

Sa pamamagitan ng iilang sobriety tests, ay napatunayan ng pulis na lasing nga itong si Forester. Inaresto ito para sa DUI.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended