Giant rubber duck sa Taoyuan, biktima ng lindol

  • 9 years ago
Giant rubber duck sa Taoyuan, biktima ng lindol

Ang kilalang higanteng rubber duck sa Taoyuan, Taiwan, ay hindi na natin makikitang muli! Nasaan na ang kilalang yellow duck? Lumutang na ba ito papalayo sa Taiwan?

Hindi! Ang kawawang higanteng pato ay naaksidente, matapos ang problemadong pagtigil nito sa Taoyuan. Bumagsak ito nang maputol ang kuryente, matapos ang lindol itong nakaraang linggo.

Nang sinubukang ibalik ang bumagsak na pato sa pamamagitan ng hangin, nasobrahan naman ito at nabutas! Hindi na ito naligtas at naisama sa nakatakdang eksibisyon. Para hindi masyadong malungkot ang publiko, hiniram ng Taoyuan County ang retiradong rubber cuk mula sa Kaohsiung.

Bilang biktima ng lindol, ang rubber duck ng Taoyuan ay ipinagsagawa ng burol ng mga netizens.

Ayon sa Taoyuan County Commissioner na si Wu Chi Yang, nakakuha sila ng pahintulot mula sa Kaohsiung mayor na si Chen Ju para sa replacement rubber duck. Ito ay magiging kauna-unahang rubber duck na idi-display sa square, at hindi sa tubig.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended