Mariah Soriano, piniling ipaputol ang paa para lang makapagsuot ng high heels!

  • 9 years ago
Mariah Soriano, piniling ipaputol ang paa para lang makapagsuot ng high heels!

Ang 21-year-old na si Mariah Soriano ng New York, ay mahilig sa high heel na sapatos, at matagal nang nagnanais na magtrabaho sa industriya ng fashion.

Pero dahil sa kakaibang korte ng kanyang paa - na pinagdaanan ang leg braces at limang operasyon -- hindi posible ang pagsuot ng high heels, ayon sa mga doktor.

Nang nalaman ni Soriano na ang kanyang paboritong designer na si Alexander McQueen ay gumawa ng isang pares ng prostetik na legs, para sa atletang si Aimee Mullins, nagdesisyon si Soriano na ipaputol ang kanyang paa.

Ngayon, so Soriano ay mayroon nang sariling prostetik na binti, at mayroon siyang sampung pares ng high heel na sapatos. Siya rin ay nagtatrabaho sa industriya ng fashion, at hindi niya pinagsisisihan ang kanyang desisyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended