Babaeng pulis, napasuko ang isang hubad na lalaki sa Hong Kong!
  • 9 years ago
Babaeng pulis, napasuko ang isang hubad na lalaki sa Hong Kong!

Isang hubad na lalaki ang napasuko ng isang babaeng police officer matapos itong ma-report na naglalakad-lakad sa King's Road sa Hong Kong, kahapon.

Ang insidente ay nangyari noong alas nuebe ng umaga. May mga nakakita sa hubad na lalaking nagtatatakbo sa kalsada. Ang 25-year-old na babaeng police officer na si Lai Wing-Ka ang unang rumisponde sa eksena.

Napilitan si Lai na gamitin ang kanyang baton para mapigilan ang lalaki sa paglapit sa kanya. Pagkatapos, ay gumapang ang lalaki sa harap ng isang bus, bago yumuko at lumuhod sa harap ni Lai, habang sinusunggaban ang mga kamay nito.

Natapos lang ang lahat nang tinulak ni Lai ang lalaki sa kalsada, at dumating ang mga back-up na pulis.

Pinadala sa ospital ang suspek.

Ayon sa mga report, ang lalaki ay si Wong, isang 23-year-old na graduate ng hong Kong Baptist University, na nagtrabaho sa isang accounting firm.

Nasaktan sa kanyang tuhod si Officer Lai, at pinuri ng isang senior police officer ang kanyang mabilis at kalmadong pagkilos sa insidenteng ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended