Taiwanese celebrity chef, aminado sa kanyang soft-core porn na litrato

  • 9 years ago
Ang Taiwanese celebrity chef na si Hsieh Chia-Hsuen (謝佳軒) ay na-expose para sa kanyang nakakakandalong soft-porn na photo shoot, na kanyang ginawa pitong taon nang nakalipas.

Ang mga litrato mula sa photo shoot na iyon ay kumalat na sa internet. Dineny ni Hsieh noong una na siya ang nasa mga litrato, pero noong December 9 ay umiiyak na umamin na rin ito.

Ayon kay Hsuan Hsuan, kinailangan daw niya ng pera para sa kanyang pag-aaral noon, kaya niya nagawa ang ganitong klaseng photo shoot.

Ang mga magulang ni Hsuan Hsuan ay naghiwalay noong siya ay 12 years old pa lamang, at siya ay pinalaki ng kanyang lola -- na namatay noong siya ay 19. Dahil dito, ay naging showgirl si Hsuan Hsuan, at sumali siya sa photo shoot para kumita ng pera. Wala na sanang makakaalam, pero ini-release ng photographer ang mga litrato, at mabilis na naging viral ang pagkalat ng mga ito sa internet.

Ayon din kay Hsuan Hsuan, nag-iisa lang ang photo shoot na kanyang ginawa, at sa kanyang pag-amin sa katotohanan ay napagaan rin ang kanyang pakiramdam. Ayaw sana niyang magsinungaling noong una, pero natakot siya sa panghuhusga ng publiko.

Taiwanese celebrity chef, aminado sa kanyang soft-core porn na litrato

Si Hsuan Hsuan ay dalawang taon nang ka-relasyon ang kanyang Italianong boyfriend, na isa ring chef, at sabi niya ay walang pakialam sa kanyang nakaraan ang kanyang boyfriend, at tinutulungan pa siya nitong malampasan ang pagsubok na ito.

Recommended