Dennis Rodman, nalasing daw sa North Korea; dumiretso sa rehab pagkatapos
  • 9 years ago
Dennis Rodman, nalasing daw sa North Korea; dumiretso sa rehab pagkatapos


Kagagaling lang ni Dennis Rodman mula sa North Korea, at agad niyang in-announce ang location ng susunod niyang adventure...

Sa rehab!

Humingi ng paumanhin sa publiko ang laos at KSP na NBA star, para sa kanyang kontrobersiyal na Communist basketball diplomacy project -- na ipinakita ang ka-cheap-an at pagkawalang taste ng basketbolista.

Habang siya ay nasa North Korea, kinantahan ni Rodman ng Happy Birthday si Kim Jong-Un.

Napaka-creepy, hindi ba?

Pero ngayon ay inamin na ni Rodman na siya ay palaging lasing, habang pinapasyal niya ang North Korea.

Maging ang kanyang binuo na grupo ng mga laos na basketball players ay kumalas na, dahil hindi nila alam kung anong sitwasyon ang kanilang pinasok.

Bukod sa pag-inom, ay nalulong din daw si Rodman sa mga...North Korean na babae. Pero lasing man si Rodman, ay lubos na ikinatuwa ni Kim Jong-Un ang kanyang pagdalaw.

Ang pamilya naman ng Amerikanong nakakulong sa North Korea, na si Kenneth Bae, ay hindi natuwa,

Na hindi man lang sinubukan ni Rodman na tulungan itong makalaya, mula sa labinlimang taong pag-sentensiya ng hard labor sa isang prison camp sa North Korea.

Nagpakita pa si Rodman sa isang interview sa CNN, kung saan siya ay lasing, at parang suportado pa ang pagkulong kay Bae sa North Korea.
Nag-sorry si Rodman para sa kanyang mga sinabi sa interview, at isang buwan daw siyang mananatili sa rehab.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended