VIDEO: Nevada police, binaril nang sampung beses ang isang unarmed na hitchhiker!
  • 9 years ago
VIDEO: Nevada police, binaril nang sampung beses ang isang unarmed na hitchhiker!



Makikita sa dramatic footage sa internet ang mga state troopers na binaril at pinatay ang isang hitchhiker na walang dalang armas, sa isang Nevada highway, sa labas ng Las Vegas, noong Biyernes.

Ang video, na kinunan ng isang saksi, at nakuha ng Las Vegas Review-journal, ay nagpapakita kung paano sinubukang i-detain ng pulis si D'Andre Berghart, na hinaharass diumano ang mga dumadaan na bisikleta't sasakyan.

Tinigil ng pulis ang traffic, at tumayo sila sa gitna ng kalsada, kung saan kinausap nila ang 20-year-old na si Berghart. Ang video ay nasa pitong minuto ang haba.

Pero imbes na mabilis na i-detain si Berghart, ay hinayaan pa siyang magpagala-gala ng mga pulis.

Makikita na isang police officer ang nagalit at sinipa si Berghart, na sinubukan naman suntukin ang pulis.

Hindi nagtagal, ay nauwi sa patayan ang kakaibang stand-off na ito.

Makikitang tumungo sa isa sa mga police cars si Berghart,
Na sinubukan rin daw na kunin ang AR-15 assault rifle ng isang police officer -- ang baril ay naka-lock sa isang gun rack.

Natakot ang mga pulis sa pagkilos ni Berghart, kaya pinagbabaril nila ito nang sampung beses.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended