Derek Fisher, bagong coach ng New York Knicks!

  • 9 years ago
Derek Fisher, bagong coach ng New York Knicks!

Mukhang si Phil Jackson, sorry, Derek Fisher, ang magiging bagong coach ng New York Knicks, sa isang five-year deal na nasa halagang 25 million dollars! Never pang nag-coach sa NBA si Fisher, but hey, it's the Knicks!

Pinili ng Knicks si Fisher, matapos silang tanggihan ng first choice ni Phil na si Steve Kerr, na piniling mag-coach para sa California.

May magandang pagtatapos ang playing career ni Fisher, sa Thunder, pero paano kaya siya bilang isang coach?

Mukhang hindi naman siya mahihirapang makatrabaho si Jackson, dahil naglaro naman siya sa ilalim nito, naiintindihan niya ang triangle, at magkasama silang nakapagpanalo ng mga championships.

Ang problema para kay Fisher ay siguradong palaging andiyan si Phil sa mga laro, at sa locker room pagkatapos ng mga laro.

Pero kung magagawa ni Fisher na mapanatili sa team si Melo, at kung mapipigilan niya sa panggulo si J.R. Smith, mukhang magiging okay ang lahat. Good luck, Knicks!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended