VIDEO: Justin Bieber, hindi pumasa sa sobriety test; nag-push-ups sa jail

  • 9 years ago
VIDEO: Justin Bieber, hindi pumasa sa sobriety test; nag-push-ups sa jail


Nag-release ang Miami State Attorney's Office ng sampung oras ng napaka-boring na footage ng police station, kung saan may iilang kuha si Justin Bieber, matapos siyang ma-DUI noong Enero.

Si Bieber ay naaresto noong January 23 nang madaling araw, matapos siyang mahuling nagda-drag racing sa isang dilaw na Lamborghini. Nakasuhan siya ng resisting arrest, driving drunk and without a license, and for being...well, Justin Bieber.

Ayon sa mga police officers, amoy alak si Bieber at nagmumura nang siya ay naaresto.

Sandali lamang ang 19-year-old pop star sa police station, kung saan siya ay hindi pumasa sa isang required na sobriety test.

Sinubukan niyang maglakad nang maayos, pero hindi niya ito magawa, habang pinapanood siya ng isang police officer, na malamang ay nai-record ang lahat para sa kanyang anak na babae.

Sa kanyang pangalawang pagsubok, ay hindi pa rin makalakad nang maayos si Bieber.

Dahil siguro nainip ito sa loob ng bilangguan, ay nagsimulang mag-push-ups itong si Bieber.

Baka kailangan din siyang hanapan ng steroids?!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended