Gwyneth Paltrow at Chris Martin: Consciously uncoupling, aka DIVORCE!
  • 9 years ago
Gwyneth Paltrow at Chris Martin: Consciously uncoupling, aka DIVORCE!



Gwyneth Paltrow at Chris Martin, consciously uncoupling.

Inannounce nina Gwyneth Paltrow at Chris Martin na sila ay maghihiwalay, at ito ay kanilang tinawag na "consciously uncoupling."

Makalipas ang sampung taon, ay nagtapos din ang pagiging mag-asawa ng Hollywood star na si Gwyneth Paltrow, at ang Coldplay singer na si Chris Martin.

May mga balita na rin ng hindi nila pagkakasundo -- hindi daw kasi nakapag-adjust sa LA si Chris...na namimiss ang kanyang kinalakhan na UK.

Samantala, si Gwyneth ay nanlalake raw ng tatlong beses, ayon sa mga bali-balita.

Ngayon ay lumabas ang tutoo -- na isang taon nang nagka-counselling ang mag-asawa. At dito sila pumayag sa new-age divorce, na tinatawag na "conscious uncoupling."

Ang "conscious uncoupling," ayon sa personal na kaibigan ni Gywneth, na si Habib Sadeghi, ay may kinalaman sa bawat indibidwal na tao...sa paggawa ng isang endoskeleton...parang ganon...ummm...insect evolution...aaah nakakasakit ng utak!

Anyway, ang conscious uncoupling ay biglang nauso, salamat kay Gwyneth.

At ngayon, ay pwede nang magpaka-rock star nang todo si Christ Martin, kasama ang kanyang mga Coldplay bandmates! Win-win!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended