Homeless na batang babae, 8, na-kidnap ng murder suspect sa Washington, DC!

  • 9 years ago
Homeless na batang babae, 8, na-kidnap ng murder suspect sa Washington, DC!


Homeless 8-year-old mula sa DC, kinidnap ng isang murder suspect!

Isang buwan nang nakalipas, mula nang makidnap ang homesless, 8-year-old na si Relisha Tenau Rudd.

Ang lalaking nag-aalaga sa kanya na si Kahlil Tatum, ay kaibigan at janitor sa homeless shelter kung saan tumutuloy ang pamilya ni Relisha.

Kaya nagtiwala ang ina ni Relisha kay Tatum, at pina-alaga ang bata sa kanya. Noong una ay hinayaan niyang magpatuloy sa pag-aaral si Relisha.

Pero ayon sa pulis, si Tatum ay prime suspect sa pagpatay sa kanyang asawa sa isang Red Roof Inn sa DC, noong March 20th. Sa raw ring iyon, ay hindi na nagpakita si Relisha sa eskuwelahan.

Ayon sa surveillance footage noong February 26th, kumpirmadong nasa pagbabantay ni Tatum ang bata.

Sinearch ng pulis ang kotse ni Tatum, na iniwan sa hotel kung saan namatay ang asawa nito -- at wala silang nakuhang kahit na ano.

Si Relisha ay itinuturing na kidnap victim, at na-issue na ang amber alert para sa lahat ng estado sa pagitan ng Pennsylvania at Florida.

Nag-aalok ang FBI ng 25,000USD para sa bawat taong makakapagbigay ng impormasyon, na makakatulong sa paghanap kay Relisha, o sa pag-aresto kay Tatum.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended