Sikat na Feng Shui Master mula sa Hong Kong, namatay sa isang mudslide sa China!

  • 9 years ago
Sikat na Feng Shui Master mula sa Hong Kong, namatay sa isang mudslide sa China!



Sikat na feng shui master, namatay sa isang mudslide.

Ang feng shui master na si Zheng Guo-Qiang, na kailan lang ay namatay sa isang mudslide, ay kilala sa mga artista, na nais na ipabasa ang kanilang feng shui.

Si Master Zheng, kasama ang isang Taoist na nagngangalang Wu, at dalawa pang lalaki mula sa Shenzheng, at nagpunta sa Changle cemetery sa Guangdong, noong Linggo, para magbasa ng feng shui. Nang biglang...

Ang apat na lalaki, at tatlong employado ng sementeryo, ay nabaon ng mudslide. Nagpadala ng dalawang daang tao ang mga awtoridad sa eksena ng aksidente, para maghanap at magligtas ng mga survivors.

Sa pitong taong nabaon, lima ang namatay sa eksena, dalawa ang dinala sa ospital. Sa dalawa, isa ang namatay pagdating sa ospital, at isa naman ang nasa stable condition.

Ang sementeryo ngayon ay isinarado, at magbubukas lang matapos ang imbestigasyon. Si Master Zheng at Taoist Wu ay kabilang sa limang namatay sa eksena. Inaayos na ng pamilya ni Master Zhen gang pagbalik ng katawan niya sa Hong Kong.

Nagtataka ang isa sa mga kaibigan ni Master Zheng, kung bakit pinili ni Master ang araw na iyon para magpunta sa sementeryo. Ayon sa metaphysician Lee Chengze, ang araw na iyon ay hindi mainam para magpunta sa sementeryo, mas lalo na dahil may bagyo.

Ang bagyong ito ay hindi lang nakamit ang buhay ni Master Zheng, pero may sampu pang taong nasawi, sa Guangdong; at pitong probinsiya at pitumpu't isang distrito ang nagkaroon ng pinsala.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended