Mga teenagers na nagpapalitan ng hubad na litrato sa Instagram, nahuli ng Virginia police!

  • 9 years ago
Mga teenagers na nagpapalitan ng hubad na litrato sa Instagram, nahuli ng Virginia police!


Pulis sa Virginia, na-bust ang isang ring ng pagpapalitan ng mga teenagers ng hubad na selfies!

Isang nude photo-sharing ring, kung saan sangkot ang mahigit isang daang mga teenagers, sa anim na counties sa Virginia, ang na-bust ng mga pulis -- at karamihan ng mga 14 at 15-year-olds na sangkot dito ay hindi nalalaman na sila ay kriminal ng child porn.

Nalaman ng pulis ang tungkol sa sexting ring, nang nakita ng isang magulang ang litrato ng kanilang anak sa Instagram.

Ayon sa pulis, karamihan ng mahigit isang libong litrato at video na nai-share sa mga pribadong account sa Instagram, ay sexually explicit.

Ang mga teenagers na nagpapadala ng hubad na selfies ay maaring hindi kilala ang mga taong nakikita ang mga ito.

Ang phone-to-phone sexting, at invitation-only sharing sa Instagram account na "Thesehoes01" ay na-expose ang mga bata, hindi lang sa mga pehophiles at kahihiyan, pero pati na rin sa law enforcement. Nakapagkumpiska nan g dalawampu't tatlong cell phones ang mga pulis.

Kakaiba ang sitwasyon na ito, dahil may mga batang makakasuhan ng child porn, dahil may mga nude photos sila ng ibang bata, na mas matanda sa kanila.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended