Teenager, nabaril at napatay habang kina-carjack ang isang retired NYPD officer!

  • 9 years ago
Teenager, nabaril at napatay, habang sinusubukan niyang ma-carjack ang isang retired NYPD officer!

Isang 18-year-old na Brooklyn resident ang napatay ng isang retired NYPD officer, na sinabing tinutukan siya ng baril at sinubukang i-carjack ng teenager.

Ang 55-year-old na si Derrick Bishop ay nasa guard duty, nakaupo sa kanyang Benz 430, nang kinatok ng 19-year-old na si Manuel Ocampo ang kanyang bintana.

Binaba ni Bishop ang bintana, at natutukan siya ng 9mm pistol sa mukha. Sinabi sa kanya ni Ocampo na ibigay ang lahat ng kanyang pera, kung ayaw niyang mabaril.

Inabot ni Bishop ang kanyang pera mula sa kanyang bulsa, at nagawa niyang ma-unbuckle ang holster ng sarili niyang baril.

May 60-70 dollars lamang si Bishop, na kinagalit ni Ocampo, at nanakot siyang muli na babarilin niya ito.

Pinababa ni Ocampo si Bishop mula sa Benz, at sumakay siya sa driver's seat. Pag-abot niya sa passenger side para buksan ang pinto para sa kanyang pinsa, at nagkaroon ng pagkakataon si Bishop.

Tumakbo si Bishop sa likod ng kotse, habang hindi siya napapansin ni Ocampo, at tinaas ang kanyang baril. Babarilin dapat ni Ocampo si Bishop, pero nag-jam ang kanyang baril, at si Bishop ay nagpaputok ng apat na beses.

Si Ocampo ay nabaril sa dibdib at ulo, pero nakatakbo pa siya ng 150 feet, bago siya namatay.

Ang pinsan ni Ocampo ay naaresto ng mga pulis sa loob ng ilang oras. Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Ocampo sa nagawa ng kanilang anak, at sinabing imposibleng isang carjacker ang kanilang anak, dahil may trabaho ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended