VIDEO: Bayolenteng armed robbery sa isang fast food chain sa Philadelphia!

  • 9 years ago
VIDEO: Bayolenteng armed robbery sa isang fast food chain sa Philadelphia!


Bayolenteng armed robber sa isang kainan sa Philadelphia, nakunan ng video!

Dalawang naka-hood na lalake, na nagsagawa ng armed robbery sa gitna ng isang araw, sa isang fast food restaurant sa Philadelphia, ang kasalukuyang hinahanap ng pulis.

Noong June 2, 6:20 ng gabi, pinasok nila ang Church's Chicken sa 5818 Woodland Avenue.

Makikita ang lahat ng nangyari sa kaka-release pa lang na security video na ito. Tinalon ng lalake ang counter, at inatake ang natakot na staff.

Naglabas sila ng mga baril, at nagmakaawa ang shop manager na kunin nila ang pera.

Sinubukan silang labanan ng shop manager, na natulak pabagsak sa sahig -- suwerte niya at hindi siya binaril ng mga attackers!

Kinuha ng lalaking naka-asul na hoodie ang pera sa safe, samantalang ang naka-berde ay binantayan ang manager. Dahil sa struggle, ay nahiwa ang employado sa kanyang mukha at ulo.

Pagkatapos, ay itinakbo ng dalawang magnanakaw ang cash mula sa safe. Sila ay nasa edad diumano na 19 hanggang 23.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended