World Cup Roundup: Muller, natalbog si Ronaldo; USA, natalo ang Ghana!

  • 9 years ago
World Cup Roundup: Muller, natalbog si Ronaldo; Team USA, nakaganti laban sa Ghana!

Ang Germany, na isa sa pinakapaborito ng mga World Cup fans, ay nakakuha ng magandang simula sa Brazil noong Lunes, kung saan natalo nila ang Portugal, na nakawawa nang 4-0 dahil sa kapalpakan ni Pepe.

Sinigurado ng striker na si Thomas Muller na makukuha niya ang match ball sa isang hat-trick, at nadagdagan ang kanyang World Cup tally nang walong goals sa loob lamang ng pitong laro. Dahil dito, ay naiwan sa kanyang anino ang World Footballer of the Year na si Cristiano Ronaldo.

Samantala, sa tie sa pagitan ng Black Stars at ng Stars and Stripes, ang mala-samba na footwork ni Clint Dempsey para sa kanyang napakagaling na first-minute goal laban sa Ghana, ang nakakuha ng 2-1 victory para sa USA -- pagganti na rin sa kanilang pagkatalo sa mga Africans, sa dalawang World Cup na nakalipas.

Noong Martes, bidang-bida ang mga keepers, nang itong si Guillermo Ochoa ng Mexico ay paulit-ulit na naharang ang team Brazil...sigurado kaming frustrated na frustrated si Neymar at ang kanyang mga teammates.

Na-deliver naman ni Igor Akinfeev ng Russia ang kauna-unahang howler ng World Cup, sa 1-1 draw ng Russia at South Korea, kung saan nabigyan niya ng lead ang kanilang mga kalaban. Malamang ay hiyang-hiya si Akinfeev para sa kanyang pagkakamali -- buti na lang at nakabawi din ang kanilang team, salamat sa kanyang teammate na si Kerzhakov, na napantay ang score, anim na minuto lamang matapos ang kanyang blunder.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended