World Cup Roundup: Out na ang Spain at England - salamat kay Luis Suarez!

  • 9 years ago
World Cup round up: Tanggal na ang Spain, at malapit na ring matanggal ang England, salamat kay Suarez!

Natalo ni Tim Cahill ng Australia, si Robin van Persie, nang nag-score siya ng pinakamagandang goal sa World Cup so far, noong Miyerkules, sa kanilag laro laban sa Holland.

Pero si Van Persie at Arjen Robben ang tunay na panalo matapos ang laro, kung saan natalo ng Holland ang Australia, 3-2.

Samantala, si Alexis Sanchez at ang team Chile ay nagpatuloy sa kanilang pagpapahiya sa World Cup champions na Spain...

Nanalo ang Chile, 2-0, salamat sa mga goals nan a-score nila Vargas at Aranguis. Sorry Spain...you're out!

Ang laro ng England at Uruguay noong Huwebes ay nauwi sa Luis Suarez show, na naging bida sa first half, kung saan nanguna ang Uruguay...samantalang ang World Cup record ni Wayne Rooney na 0 goals in 8 years and 9 games ay mukhang magpapatuloy, nang naka-miss siya ng iilang magagandang pagkakataon na maka-score...

Hanggang sa 75th minute equalizer! Sayang at hindi pa rin ito sapat para manatili ang England sa World Cup...natanggal ang kanilang pag-asa nang naka-score ng goal si Suarez, ilang minuto lamang matapos makakuha ng goal ang England.

Base sa mga resulta, ang Spain at Australia ay out na out na...at malamang ay masusundan sila ng England.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended