Armed robbers, binaril ng security guard sa isang marijuana dispensary sa LA!

  • 9 years ago
Guard, pinatay ang isang armed robber, sa tindahan ng marijuana, malapit sa LAX!

Isang lalake ang namatay, at isa naman ang on the run, matapos nilang barilin ang isang guard sa isang marijuana dispensary sa LA noong Miyerkules.

12:20 ng hapon, pumasok ang dalawang lalake sa Nature's Cure, sa 5400 block ng Century Boulevard malapit sa LAX.

Binaril nila ang guard ng tindahan, na binaril din sila, at natamaan ang isa sa mga shooters sa abdomen.

Wala nang ibang nabaril, pero isang babaeng nasa loob ng tindahan ang nadulas, at nauntog ang ulo.

Tumakas mula sa eksena ang dalawang suspect. Isa sa kanila ay African-American na lalake na nasa 30s ang edad, na tumakas sa isang 7 series BMW. Maraming mga hotel na lugar na iyon, laya malamang ay nakunan ito sa isang surveillance video.

Ang isa pang suspect, na nasa kanyang 30s din, ay tumakbo papunta sa isang Westin Hotel. Nag-collapse siya sa parking lot ng hotel, bago nagsidatingan ang mga pulis. Namatay ang suspect sa eksena.

Hindi nalalaman kung may nanakaw ban a pera o marijuana sa insidente, at ang lalaking nakatakas ay hindi pa nahuhuli ng pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended