Swiss soccer fans, inihian ang water bottle ng goalkeeper na si Reto Felder!

  • 9 years ago
Isang Swiss goalkeeper, maaring idemanda ang mga fans, dahil nilagyan nila ng IHI ang iniinom niyang tubig!

Hindi kami makapaniwalang ginawa ito ng mga taga-Switzerland – mga taong kilala sa pagiging neutral, magaling gumawa ng relo, mahilig sa sports at yodeling, at maraming mga bangko.

Nasira ng iilang mga tao ang reputasyon ng mga Swiss, matapos silang magpakita ng napakasamang sportsmanship noong isang linggo.

Habang naglalaro ang football club na FC Muri, na kalaban ang FC Baden, kinumbinsi ng mga fans ang isang water boy na idala sa kanila ang water bottle ng goalie ng kalaban nilang team --- na kanilang inihian!

Pag-inom na pag-inom ng kawawang goalie, nagsigawan at nagtawanan ang mga loko-lokong fans, na nagkantahan pa ng, “Magkakaroon ka ng AIDS.” Mukhang nag-yodeling sa bundok ang mga ito sa araw na tinuro sa kanila ang tungkol sa mga virus.

Ayon sa goalkeeper, nang nainom niya ang tubig na may halong ihi, inakala niya na naiba ang lasa dahil sa init ng araw. Pero nang uminom siyang muli, ay sigurado na siyang may malaking pagkakamali na nangyari.

Maaring idemanda ng goali na si Reto Felder ang mga tarantadong fans na nagpainom sa kanya ng ihi. Ang hirap talagang paniwalaan na kagagawan ito ng mga Swiss!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended