Bagong uso sa J-Pop: mga idols, papayag na maka-date ang mga fans!

  • 9 years ago
Kakaibang kultura para sa mga pop idols, nagkalat na sa Japan!

Kadalasan, ay ipinagbabawal ang mga Japanese pop stars na makipag-relasyon, para hindi masira ang kanilang mga career. May isang pop idol nga ang nademanda kamakailan, dahil may nakaka-date siyang lalake.

Pero binago ng J-pop girl group na “Happening Girls” ang panuntunang ito, dahil okay lang sa kanila ang maka-date ng mga pop stars ang kanilang mga fans!

Ang mga pop idols, na naka-bikini, ay nagho-host ng isang reality show, para makilatis ang mga lalaking nais na mag-audition para ligawan ang mga ito. Matapos ang isang performance, makaka-blind date ng mga fans ang kanilang mga idolo. Kapag okay ang date, magpapalitan sila ng numero.

At paano na kung naging seryoso sila at gustong mag-asawa? Okay lang, plaplanuhin pa ng kanilang agency ang kanilang kasal! Mapapanalunan kaya ng mga fans ang puso ng kanilang mga pop idols? Wait and see!

Ayon sa isa pang grupo, na Ryujin Kiyoshi 25, ang lahat ng babaeng miyembro ay kinasal sa kanilang lalaking producer. Baka sinabi lang nila ito para mabenta ang bago nilang album. Pero sino namang fan ang nais na makita ang kanilang idolo na nakikipaghalikan sa stage, kasama ang kanilang producer?

At sa kabilang panig naman ng mundo ng mga Japanese idols, isang anonymous idol ang nagsabing binebenta niya sa kanyang mga fans ang mga nasuot niyang damit, para mabayaran niya ang kanyang mga boob jobs at plastic surgery.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended