VIDEO: Taiwanese na babae, nagsapakan sa Taipei MRT!
  • 9 years ago
News flash! Away sa Taipei MRT – walang kasangkot na foreigner!

Sa video na ito, na kinunan ng isang commuter sa Taipei noong Miyerkules, isang matandang babae ang makikitang inaakusahan ang isang babae na hindi alam kung paano disiplinahan ang kanyang mga anak – dahil tinamaan ng maliit na bata ang paa ng matanda.

Pagkatapos, ay ilang beses na sinapak ng matanda ang babae! Nang gumanti ang babae, ay hindi na sila maawat ng walong taong gustong pigilan ang gulo.

Ang video ay napanood na ng kalahating milyong beses, sa Facebook page ng kumuha nito, at kumalat na rin ito sa bawat isang news website at TV channel sa Taiwan. Ibang klaseng coverage ito, para sa isang away kung saan walang foreigners o artistang nasangkot.

Naku! Binalikan pa ni lola ang wig ng babae!

Ayon sa nag-upload ng video, nang nagtapos ang away, nagkunwari ang lola na hinimatay siya, at napilitan ang dalawang police officers na buhatin siyang paalis --- pero na-realize niyang naiwan niya ang kanyang sombrero sa tren, at bigla siyang nagsisigaw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended