Lalake, kinagat at pinunit ang tenga ng isang lalake, dahil lang sa inumin!

  • 9 years ago
Baliw na lalake, kinagat ang tenga ng isang lalake sa bowling alley, dahil lang sa natapon na inumin!

Nakalaya sa bond itong si James Thomas Foster, matapos niyang kagatin ang tenga ng isang lalake, dahil sa natapon na inumin sa Coffee Creek bowling alley sa Owasso, Oklahoma.

Ayon sa mga report, isang pamilya ang nagbo-bowling sa tabi ng isang malaking grupo ng babae, isang gabi noong Agosto.

Hindi sinasadyang natapon ng ina ng pamilya ang inumin ng isa sa mga babae, mula sa mesa na shine-share ng dalawang grupo. No big deal, diba?

Pero big deal pala ito, para sa grupo, na umalis mula sa bowling alley at bumalik kasama si James…na nakipagtulakan sa asawa ng ina na nakatapon ng inumin! Lumala ang gulo, hanggang sa nakagat at napunit ni James ang tenga mula sa ulo ng lalake! Ayon sa mga report, ay hindi na mai-re-attach ng mga doktor ang tenga.

At para sa hindi nalalamang rason, ay hindi naaresto si James hanggang sa Biyernes noong isang linggo, nang nasita siya para sa speeding. Siya ngayon ay humaharap sa mga kasong maiming, at tax evasion.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended